Wednesday, January 21, 2009

EMOSYONAL










today, before our duty ended a baby was rushed to ER ..



DOA (dead on arrival). kulay papel na sa putla.. di na humihinga..
sakto, sa kinamalasmalasan sa ER pa ko assigned..
ayokong ayoko sa ER o kaya sa ICU.
emosyonal akong tao e.
kaso di naman ako pwedeng tumanggi sa CI ko diba.
naiiyak na ko kanina..
nakakaawa yung baby, he could have had a good future kung nabuhay sya..
nakakaawa din yung naiwan nya, lalo na yung mother nya..
i can feel their sorrow..
i can feel their grief..
i can feel their loss..
i shouldn't be feeling that way..
i'm going to be a nurse soon.. ( i hope so.. )
i should get used to that scenario..
sooner or later, pag nag-work na ko sa hospital di ko maiiwasan yung mga ganung sitwasyon..
pero ang hirap kasing pigilan nung emosyon e.
panu nga ba?
feeling ko kasi di na ko normal pag di na ko nakaramdam ng lungkot..
anu pang pinagkaiba sa robot diba??

Error!!!!

it was 2 days ago when i committed this error during my duty.. actually di naman sya ganun ka-big deal pero narealize ko na sa profession na pinasok ko, errors are not allowed!!! mortal sin ang magkamali! one simple error could be fatal.

nung una sinasabi ko sa sarili ko na "ok lang yan, ganyan talaga. na minsan ok lang mag commit ng mistakes para matuto" pero naisip ko din, how many more mistakes i could afford in order for me to learn when every mistake could put the lives of my patients in danger? when it is their lives that is at stake?

di ko alam if i was a bit unfocused or i got careless.. basta everything slipped on my mind that time. di ko maexplain how it happened, basta parang nung time na yun wala ata ako sa sarili ko..
blangko.. floating... o tulog ata mga brain cells ko that time..

di ko alam kung panu ko makakabawi, basta i'll try my best not to commit ERRORS!
i'll try..

Wednesday, December 24, 2008

plan for x'mas vacation

before pa mag- x'mas vacation ang dami ko ng plans kung pano ko sya iispend at eto sana ang gusto kong gawin pero kamusta ka naman hanggang ngayon di ko pa din nagagawa. hehe
1. matulog na matulog- wala akong masyadong privilege na gawin to pag may pasok so talagang eto yung number one sa list ko pero ang ipinagtataka ko mas laging puyat pa ko ngayon kesa noon na may pasok.
2. mag shopping- syempre naman. x'mas e. kaso ang problema wala akong pera. gusto ko talaga, yung tipong parang sa mall na ko nakatira pero sad to say di ko sya afford.
3. mag movie-marathon- but up until now undecided pa din ako kung anong series ang papanuorin ko. baka abutin na ko ng pasukan di ko pa din nasisimulan ang kahit anong series.
4. mag-aral (review for board exam)- sabi kasi ng mga C. I. sa min mag-aral na daw kami this vacation,mas tataas daw ying chance na pumasa kami, so sinali ko sya sa list ko pero ewan ko nga ba kung bakit sa tuwing sisimulan ko ng mag-review e tatamaan ako ng di mapaliwanag na antok maski ano pa mang oras ako mag-review.

Monday, December 22, 2008

untitled

its almost a week na pero till now i haven't posted anything yet.
tiill now undecided pa din ako kung ano ba talagang ipopost ko dito. hehe.
pati nga title undecided pa din ako.
wala naman kasing interesting sa buhay ko.
sa ngayon..hehehe